Thursday, August 21, 2014

Wika ng Pagkakaisa


Wika ng Pagkakaisa

Tuwing Agosto, idinadaraos ang Wikang Pambansa
Na ngayong taon, “Wika ng Pagkakaisa” ang tema
Dito sa atin, Bayanihan ay napakahalaga
Dahil ang hangad lang natin ay maging masaya.

Saang sulok man nang mundo
Saan mang parte ng bansa ko
May iba’t iba man tayong dayalekto
Pero nagkakaisa tayo bilang mga Pilipino

Sinalita ako at gamit ng lahat, 
Upang mga taksil ay maisiwalat, 
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s'yudad, 
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap! 

At nakamit mo na ang hangad na laya, 
Mula sa dayuhang sakim at masama, 
Dilim na sumakop sa bayan at bansa, 
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga! 

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas, 
Panlahat na wika saan man bumagtas, 
Ilaw na maalab sa dilim ay lunas 
At lakas patungo sa tuwid na landas! 

3 comments:

  1. Clap! Clap! Clap! Very well said. I like your work! Keep it up!!

    ReplyDelete
  2. Wow impressive, nice job, wide variety of knowledge. :)

    ReplyDelete