Wika ng Pagkakaisa
Tuwing
Agosto, idinadaraos ang Wikang Pambansa
Na
ngayong taon, “Wika ng Pagkakaisa” ang tema
Dito sa
atin, Bayanihan ay napakahalaga
Dahil ang
hangad lang natin ay maging masaya.
Saang sulok
man nang mundo
Saan mang
parte ng bansa ko
May iba’t
iba man tayong dayalekto
Pero nagkakaisa
tayo bilang mga Pilipino
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay
maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas,
sa lahat ng s'yudad,
Pati sa Mindanao,
ako ay nangusap!
At nakamit mo na
ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang
sakim at masama,
Dilim na sumakop sa
bayan at bansa,
Dagling lumiwanag,
pintig ay huminga!
Wikang Filipino,
ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika
saan man bumagtas,
Ilaw na maalab sa
dilim ay lunas
At lakas patungo sa
tuwid na landas!